“Espesyal ka...”
“Kakaiba ka sa kanila...”
Walong taong gulang si Red nang mapansin niya na bukambibig ng halos lahat ng nasa paligid niya ang mga salitang iyon.
Hindi niya maintindihan kung bakit espesyal siya sa kabila ng pagiging “half vampire” niya.
Hanggang sa kunin siya mula sa kanyang angkan at ibinigay kay Master Creed. Ito ang bampirang kanyang kinamumuhian pero kailangan niyang pagsilbihan habang-buhay.