“I’ve never been this sure in my life, baby. I’m so deeply in love with you. I think I’d go mad if you say ‘no’ to me.”
Isang malaking pagkakamali ang nagawa ni Carol nang painumin niya ng gayuma ang kaibigang si Chris. Bukod sa nasira ang pagkakaibigan nila, nagalit sa kanya si Chancellor, ang nakatatandang kapatid ng kaibigan.
Pinagbantaan siya ni Chancellor na ipapakulong kapag hindi niya naibalik sa dati ang kapatid nito. Napilitan din siyang tumira sa pad ni Chancellor dahil ayon sa lalaki, hindi siya puwedeng humiwalay rito hangga’t hindi niya naibabalik sa dati si Chris.
Habang magkasama sila ni Chancellor, natuklasan ni Carol na may itinatago rin palang kabaitan ang akala niya ay supladong lalaki. At hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya rito…