Hi, CUSTOMER!

Example: books, shoes, fashion, romance, novels, etc.

loading shopping cart...

1

SBB00036 - Book 1 - 8 (He's Into Her Season 3)

price
PHP 792.00
AVAILABLE ON STOCKS
AVAILABLE
Author
maxinejiji
Weight
1080g
reviews & ratings
0 review
  • 5 stars (0 vote, 0%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)
social media

He's Into Her Season 3 Reprint  Books 1 - 8

  • Currently there are no reviews on this product.

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 1            

“Ikaw ang pinakamagandang bagay na ibinigay sa akin, Deib Lohr. Karapat-dapat kang ingatan.

 

Alam na ni Deib na mahilig talaga mapasama sa gulo si Maxpein. Pero sa pagkakataong iyon, ibang klaseng gulo ang napasukan ng babae. Muntik na talaga itong mapahamak!

Kahit naiinis si Deib, to the rescue pa rin siya sa girlfriend. Pero hindi lang ang ugali ni Maxpein ang nagpapasakit ng ulo niya ngayon. Dumagdag pa doon si Eerah Anitha—ang babaeng nakilala niya noon sa Palawan na pinagselosan ni Maxpein.

Pakiramdam ni Deib, hindi lang coincidence ang ilang beses na pagkikita nila ni Eerah, lalo pa nang sabihin ng babae na aagawin siya nito kay Maxpein.

Nagpapatawa yata si Eerah. Para namang magpapaagaw siya…

 

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 2       

“Hindi kita bibigyan ng dahilan para iwan ako.”

 

Akala ni Deib, wala nang katapusan ang saya niya dahil sa magandang takbo ng relasyon nila ni Maxpein. Hindi na niya napapansin ang patuloy na pangungulit ni Eerah Anitha, kasi si Maxpein lang ang nasa isip niya.

Pero hindi naisip ni Deib na puwede siyang makalimot dahil sa selos. Ang makitang hawak at kasayaw ng ibang lalaki si Maxpein ay parang kutsilyong unti-unting sumasaksak sa puso niya. Nakalimutan niya tuloy ang banta sa kaligtasan ng pamilya niya dahil doon, lalo na’t tuluyan na silang nag-away ni Maxpein.

Pero hindi rin talaga kaya ni Deib na matagal silang magkagalit ng babae, kaya naman kailangan na niyang solusyunan iyon. Operation: Kiss and Make Up ang nasa isip niya.

Sana lang ay mapalambot n’on ang puso ng isang Maxpein del Valle…

 

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 3      

“I told you I missed you and I will say it again. I missed you… And I’m still missing you even if we’re together.”

 

The Operation: Kiss and Make Up was a success. Iba talagang makipagbati at magpakilig ang isang Deib Lohr Enrile. Pero kasabay n’on, nag-level up din yata ang pagiging sweet ng lalaki. Naging touchy ito.

Aware na aware si Maxpein sa changes na iyon. Kaya naman nalito siya. Paano naman kasi, hindi pa siya handa sa ganoong intimacy! Kaya iyon naman ang naging issue nila ni Deib. Pero hindi niya hahayaan na mag-cause na naman iyon ng malaking tampuhan sa pagitan nila ng boyfriend, lalo na’t hindi pa tapos ang issue nila kina Eerah Anitha at Lovemir.

Well, Deib is hers and hers alone kaya kahit hindi niya usual na ginagawa, babakuran niya ang lalaki sa kahit anong paraan… kahit may banta pa rin ng panganib sa mga buhay  nila.

 

 

 

 

 

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 4       

“Tapos na ang kanta, puwede ka nang himatayin sa kilig.”

 

Deib always feels special and protected kapag kasama niya si Maxpein. Pakiramdam niya tuloy, bawing-bawi na ang mga panahong nagkatampuhan sila ng babae nang magbakasyon sila. Pero hindi talaga yata mawawala ang mga kontrabida sa isang nakakakilig na kuwento.

Enter Eerah Anitha Rewis. Hindi pa pala tapos ang babae sa mga pasabog nito. She tells him some information that can ruin their lives. Ang mahirap doon, pinagbantaan ng babae si Deib na huwag sasabihin kahit kanino ang impormasyong iyon kung ayaw niyang may mapahamak.

Bigla, naipit si Deib sa dalawang malaking batong nag-uumpugan.

He has to choose: Sabihin ang nalalaman o ang magsinungaling para sa kaligtasan?

 

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 5       

“I still fall for you every day, babe.”

 

Kahit nandoon pa rin ang takot sa dibdib ni Deib dahil sa matitinding rebelasyon na sinabi ni Eerah Anitha, pinilit na lang niya na mag-enjoy kasama si Maxpein. And yes, alam niyang kailangan niyang bumawi sa surprise na ginawa ng girlfriend for their anniversary.

Little did he know, ang pagbawi palang iyon ang mas maglalayo sa kanilang dalawa ni Maxpein. Mas nagle-level up na kasi talaga ang intimacy sa pagitan nila, lalo na kapag silang dalawa lang ang magkasama. At ang naisip niyang solusyon? Ang umiwas muna kay Mapein.

Akala ni Deib, madali lang na gawin iyon. Pero... napakahirap pala.

 

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 6      

“Hayaan mo na muna ako. Gusto ko munang mahalin ang sarili ko kahit sa gabi lang na `to. Naubos ako masyado sa `yo.”

 

When it rains, it pours, napatunayan iyon ni Deib. In their current situation, he should not trust anybody. Pero bakit parang nakalimutan yata niya iyon? Hirap na hirap na nga siya na umiwas na muna kay Maxpein, nagkamali pa siya nang hayaan si Eerah Anitha na sirain ang relasyon nila ng babae.

Masakit para kay Deib na nakikitang nasasaktan din si Maxpein nang dahil sa kanya. He was so stupid for falling into Eerah Anitha’s trap.

Ngayon, hindi lang ang puso ni Maxpein ang nasaktan ni Deib. Kasi kahit ang sariling puso niya, hindi na yata kakayanin ang mga nangyayari. His fragile heart... was slowly dying.

 

 

 

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 7    

“You’ll die if I tell you.”

Normal lang ba ang matakot? Mahina na ba ang taong takot na lang yata ang araw-araw na nararamdaman? Iyon ang mga tanong na nasa isip ni Deib nang magising siya. Natatakot siya para sa kaligtasan ng pamilya nila. Takot para sa puso niyang patuloy na humihina. At higit sa lahat, ang takot na baka mawala na nang tuluyan sa kanya si Maxpein.

Pero ang babae na ang nagsabi na magpagaling siya para mabawi uli niya ito. And that was the motivation that Deib needed. Kailangan uli niyang maging malakas. Para sa pamilya niya. Para sa sarili niya. At para kay Maxpein...

 

HE’S INTO HER SEASON 3 BOOK 8    

“Kung sa huling pagkakataon,`yon lang ang magagawa ko para mapasaya ka... Kung ang nararamdaman ko lang ang kaya kong isakripisyo para hindi na kita masaktan pa... Sige, tatanggapin ko.”

Galit. Iyon ang naramdaman ni Maxpein nang makita niya kung ano ang nangyari kay Deib. At hindi siya matatahimik hangga’t hindi nagbabayad ang may gawa n’on. An eye for an eye, a tooth for a tooth. At nasisiguro niya na sa labang iyon, siya ang mananalo.

Pero sa pagbabalik ni Deib, pakiramdam ni Maxpein, may bahagi sa kanya ang natalo. Nahahati ang puso niya sa pagmamahal sa lalaki at sa sakit na naramdaman dahil sa ginawa nito. Hindi lang iyon, masakit sa kanya ang nakikitang nasasaktan din si Deib.

Mahirap pala ang magsinungaling kapag puso na ang pinag-uusapan….

Recommendations

Total Price: PHP 229.75

LIB331 - Crazy Little Devil Book 1, PHP 50.00

LIB334 - Crazy Little Devil Book 2, PHP 50.00

LIB00299 - He's Into Her Season 2 (Book 9), PHP 129.75

Customer Who Bought this Also Bought

Order Now

PHP 792.00
Quantity

Top Seller


SiteLock