Hi, CUSTOMER!

Example: books, shoes, fashion, romance, novels, etc.

loading shopping cart...

8

He's Into Her Complete Season 1 (Book 1-8) - SBB00005

price
PHP 662.00
AVAILABLE ON STOCKS
*** OUT OF STOCK ***
Weight
990g
reviews & ratings
0 review
  • 5 stars (0 vote, 0%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)
social media

He’s Into Her Season 1 Book 1

“Binigyan niya ako ng dahilan para mapatunayan kong hindi lahat ng taong nagustuhan ko ay mahal ko.”

 

Bukod sa nagmula si Deib Lohr sa maimpluwensiyang pamilya at sa kanyang magandang hitsura, nakilala siya sa pagiging bully. At ang kadalasang target niya ay new students sa hindi malamang dahilan. Pero nag-promise siyang magbabago na para kay Kimeniah—ang babaeng pinapangarap niya.

Pero nang huling taon na ni Deib sa high school ay nagawa niyang sirain ang pangako. Dahil nakilala niya ang kauna-unahang babaeng naglakas-loob na patulan ang kanyang mga kalokohan.

Si Maxpein Del Valle. 

 

He’s Into Her Season 1 Book 2 

“W-what!? Pumayag siyang maging partner ko? Ha! Eh, hindi ko naman siya niyaya.”

 

Matangkad, chubby, katamtaman ang kulay, nakatali ang kulot na buhok, hindi maganda at mukhang tomboy pa!

Ganoon i-describe ni Deib si Maxpein, ang transferee sa school nila. Hinding-hindi niya makakalimutan na sinapak siya ng babae kabago-bago lang nito! Kaya tuwing nagkikita sila ni Maxpein, palaging umiinit ang ulo niya. Hindi niya mapigilan ang sarili na gawan ng kalokohan ang babae.

Pero hindi alam ni Deib na si Maxpein pala ang babago sa mga pananaw niya sa buhay.

Siya ba ang manggugulo sa buhay ni Maxpein?

O ito ang manggugulo sa buhay niya?

 

He’s Into Her Season 1 Book 3 

“Hindi ko ugaling manakit nang sinasadya at ganoon kalala.”

Isang araw, bigla na lang nagbago ang tingin ni Deib kay Maxpein nang makita niya ang nakakaawang hitsura nito nang i-bully ng isang estudyante. Hindi rin siya mapalagay nang marinig na may boyfriend na ang babae.

Pero agad na bumalik ang pagkainis ni Deib kay Maxpein nang maaksidente siya dahil sa kagagawan nito.

Saan kaya sila dadalhin ng pag-aaway na iyon kung tuwing nakikita ni Deib si Maxpein ay pabago-bago rin ang nararamdaman niya para sa babae? Naaawa ba siya dito dahil bukod sa kanya, may iba pang nambu-bully dito?

O meron nang mas malalim na dahilan na kahit sa sarili ni Deib ay hindi niya maamin?

 

He’s Into Her Season 1 Book 4 

“Hanggang nakikita mo akong nakatayo, hindi ka dapat makaramdam ng takot.”

 

Lalong naguluhan si Deib sa nararamdaman nang walang pagdadalawang-isip na tinulungan siya ni Maxpein sa mga lalaking humarang sa kanya dahil sa utos ni Choco. Hindi niya maintindihan kung bakit siya nag-aalala sa babaeng kaaway niya.

Pero ang pag-aalala ni Deib kay Maxpein ay napalitan ng galit nang makitang walang malay na nakahiga sa semento si Kimeniah dahil itinulak ito ni Maxpein.

Nagtaka si Deib dahil nakita niyang galit ang babae, pero mas  nangibabaw ang galit niya dahil sa ginawa nito kay Kimeniah. Kaya imbes na tanungin si Maxpein, kung ano-anong masasakit na salita ang nasabi niya.

Na agad namang pinagsisihan ni Deib nang malaman ang totoong nangyari… 

 

He’s Into Her Season 1 Book 5 

“N-nag-alaala ako para sa sarili ko pero… mas nag-aalala ako para sa `yo…”

Sising-sisi si Deib dahil sa masasakit na nasabi niya kay Maxpein. Lalo na nang malaman niya kung ano ang ginawa ni Ysay kay Naih kaya nagalit si Maxpein. Pati na ang ginawa ni Ysay sa kanya, nalaman niya.

“Sana man lang naisip n’yo kung gaano kahirap para sa akin ang gumising sa umaga at isiping papasok na naman ako sa BIS na nagsilbing impiyerno sa buhay ko… Diploma ang gusto kong makuha, Dean. Diploma. Hindi pasa, hindi bugbog, hindi bukol, kundi diploma. Diploma.”

Gustong-gustong mag-sorry ni Deib kay Maxpein nang marinig ang mga iyon sa babae pero hindi niya magawa. Ang nagawa na lang niya ay panoorin ang pagtulo ng luha nito…

 

He’s Into Her Season 1 Book 6 

“Gusto kong makita at makasigurong makakaalis ka ng safe rito.”

Dahil sobrang nagi-guilty, nanghingi na ng sorry si Deib kay Maxpein. Hindi man iyon tinanggap ng babae dahil hindi pa okay si Naih, kahit papaano gumaan naman ang pakiramdam niya. Gusto rin naman niyang makapag-ayos na sila para wala na uling masasaktan na kahit sino.

Pero ang hindi matanggap ni Deib ay ang nalaman niyang ginawa ni Kim kay Maxpein. Hindi niya inaasahan na magagawa nito ang bagay na iyon dahil lang sa pagseselos… 

 

He’s Into Her Season 1 Book 7 

“Ang cute mo talagang kiligin…”

Dahil sa nangyari kay Naih, nag-decide si Dean Enrile na gumawa na ng aksiyon para sa mga taong kasali sa gulo. Kasama na doon sina Deib at Maxpein. Natanggap nila ang kani-kanilang parusa. 

Mula no’n, pinilit ni Deib na huwag pansinin ang kakaibang  nararamdaman para kay Maxpein. Naging okay na rin naman sila uli ni Kim. Ito ang mahal niya kaya ito lang dapat ang pinagtutuunan niya ng pansin. Lalo na’t napahamak ang babae dahil sa pagseselos kay Maxpein.

Pero habang tumatagal, may napapansin si Deib kay Kim, lalo na kapag may kinalaman kay Randall, ang boyfriend ng ate niyang si Dein.

 

He’s Into Her Season 1 Book 8 

“Parang ayaw ko nang pagsisihan ang lahat ng ginawa kong kalokohan. Dahil hindi kita makikilala kung hindi ko ginawa `yon.”

Hindi pa rin maiwasan ni Deib na ma-curious kung sino ba talaga si Maxpein. Lalo na’t unti-unti na niyang nakikilala kung sino ba talaga ang babae. At isa sa mga iyon ay ang pagiging connected nito sa mga Moon—stockholders ng BIS.

Nagsisimula na ring magduda si Deib sa relasyon nila ni Kim, dahil na rin sa mga nalaman ni Lee hanggang sa mga ikinikilos ng babae.

Dahil sa mga pangyayari sa burol ng ama ni Randall, unti-unting magsisimula ang pagbabago sa relasyon nina Deib, Maxpein, Kim at… Randall.

  • Currently there are no reviews on this product.

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

Recommendations

Total Price: PHP 399.25

BIC00113 - Tonio Tikbalang Vol. 5, PHP 99.75

BIC00111 - The Watchers, PHP 99.75

BIN00006 - Nox Mundo: Task: Ouija, PHP 199.75


SiteLock