“Sagad sa buto ang pagmamahal ko sa `yo. I'll do everything for you, protect you... Even if I have to give you up...”
Mariko was smart, pretty, and very talented; malas lang siya pagdating sa career at pag-ibig. Pero magbabago ang lahat nang makapagtrabaho siya sa Japan.
Working late one night in Kobe, she met the quiet, extremely charming and super-famous Filipino-Japanese Shinta Kanagawa— one of the country’s most sought-after young actors—ang lalaking nagmamay-ari ng Pambansang Ngiti ng Japan. Sino’ng mag-aakala na ang binata pala ang magdadala ng suwerte sa kanya, sa parehong career at love life?
`Yon nga lang, pilit na umeeksena ang actress ex-girlfriend nito na si Satomi Takeda. At kung anong suwerte niya mula nang makilala ang binata, kabaligtaran iyon para kay Shinta. He lost several projects. Nakipag-away ito sa manager nang dahil sa kanya. His die-hard fans hated him because of her, gayon din ang lolo’t lola nito na nagpalaki sa binata.
Hanggang kailan niya makakayang ipaglaban ang pag-ibig kay Shinta kung ‘The Whole World versus Mariko’ ang drama ng buhay niya?