Hi, CUSTOMER!

Example: books, shoes, fashion, romance, novels, etc.

loading shopping cart...

8

Book 1 - 19 (He's Into Her Complete Season 2) -SBB00011

price
PHP 1,748.00
AVAILABLE ON STOCKS
AVAILABLE
Weight
2500g
reviews & ratings
0 review
  • 5 stars (0 vote, 0%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)
social media

BOOK 1

Bakit ba sa mga hindi inaasahang oras ay ikaw ang kasama ko? Ikaw `yong nandiyan? Bakit ba parati na lang nagkakatagpo ang mga landas natin?

Dahil sa isang komprontasyon ay nabigyan na ng linaw ang kaugnayan nina Deib, Maxpein, Dein, Kim at Randall sa isa’t isa. Doon din mismo, nalaman ni Deib kung anong hirap ang pinagdaanan ni Maxpein. Humanga siya sa katatagan ng babae na kayanin ang lahat ng sakit na dinanas nito.
Naaasar pa rin siya kay Maxpein pero hindi niya naman mapigilan na makaramdam ng paghanga dito. May pag-asa pa ba na lalong lumalim ang nararamdaman ni Deib kay Maxpein? Magkita pa kaya sila kung nanganganib na mapatalsik ang babae sa school na pinapasukan nila?

 

BOOK 2

“May mga taong kahit gustong-gusto mo, kung hindi naman nakatadhanang makatuluyan mo, hindi mo makukuha kahit anong paraan pa ang gawin mo.”

Nalaman ni Maxpein na kaya siya sinaktan noon ni Randall ay dahil kay Maze. Sa pagitan niya at ng pamilya ni Randall, mas pinili ng lalaki ang pamilya nito. At sa kabila ng kaguluhan na hatid ng na-discover ni Maxpein, nagsusumiksik naman si Deib.

Naguguluhan si Deib sa nararamdaman kay Maxpein. Noong una, ayaw niyang tanggapin sa sarili na gusto na niya ang babae, pero hindi nagtagal, natanggap at naamin na rin ni Deib ang katotohanan.
Gusto niya si Maxpein, baka nga mahal na.
Pero sa dami ng issues ni Maxpein sa buhay at sa dami ng misteryong natutuklasan niya, hindi na alam ni Deib kung paano pa papasok sa buhay ng babae, lalo na’t sa nakikita niya, mukhang mahal pa rin Maxpein si Randall.
At si Deib? Hayun, extra pa rin sa buhay ni Maxpein.

 

BOOK 3

“Ang pag-ibig na nararamdaman, mas masarap kapag hindi pinipigilan.”

Hindi naging madali para kay Deib ang aminin sa sarili, pati na rin sa kaibigang si Tob ang totoong nararamdaman para kay Maxpein. In denial pa talaga siya noong una. Pero habang tumatagal, naamin din niya sa sarili na, oo nga, gusto na niya si Maxpein. Nagawa na rin niyang aminin iyon sa ibang tao.
Ang kaso, kahit gaano na ka-vocal si Deib sa nararamdaman, hindi pa rin niya mapalitan si Randall sa puso ni Maxpein. Ni hindi nga yata nahahalata ng babae na may gusto siya dito.
Pero kung patuloy lang na mananahimik si Deib, baka isang araw ay magsisi na lang siya na hindi nagawang sabihin kay Maxpein na mahal niya ito. Kaya gaya ng isang basketball game, tuloy ang laban niya—nanakawin ni Deib ang puso ni Maxpein mula kay Randall.

 

BOOK 4

“Ang love ay nagsisimula sa crush na kapag tumagal ay nauuwi sa like at natatapos sa love.”

Sumama ang loob ni Deib kay Maxpein nang mas piliin ng babae na sumama kay Randall kaysa manood ng basketball game niya. Pero mabilis na nawala ang sama ng loob na iyon nang mabalitaan niyang naospital si Maxpein. Pumunta siya sa ospital para lang makaramdam ng matinding selos dahil naabutan niya sina Maxpein at Randall na masaya.
Naisip ni Deib, iyon na ang tamang panahon para sabihin kay Maxpein ang nararamdaman. Pero imbes na paniwalaan, naisip pa ng babae na pinagtitripan niya ito. Nasaan ang hustisya doon? Naghintay na nga siya nang tamang panahon, pagkatapos sablay din lang pala…

 

BOOK 5 

“Lumilipas ang panahon, tumatakbo ang oras, nabubura ang ibang alaala at nagbabago ang nararamdaman. Kahit ang tao ay nagbabago rin naman pero ang puso… kahit kailan ay hindi yata iyon marunong makalimot.”

Kahit anong pigil ang gawin ni Deib, kusang lumalabas ang nararamdaman niya para kay Maxpein. Nahahalata na rin ng mga tao sa paligid nila ang pagbabago ng pakikitungo niya sa babae at hindi niya maiwasan na mag-alala dahil baka makarating iyon kay Dein—ibig sabihin ay problema na naman. 
Hindi sigurado si Deib pero sa tingin niya, may nararamdaman din si Maxpein sa kanya. Hindi nga lang siguro kasintindi ng nararamdaman niya. Pero sapat na iyon—sa ngayon. 
Hanggang sa dumating si Zaimin na una pa lang ay nagpakita na ng interes kay Deib. Hindi niya mapigilan ang umasa na sana, ma-realize na ni Maxpein na bagay sila… bago pa mahuli ang lahat.

 

BOOK 6

“Mamahalin kita o mamahalin mo ako? You choose.”

Nothing is permanent in this world except change. At bagay na bagay ang kasabihang iyon sa mga ipinapakita ngayon ni Deib kay Maxpein. Kung dati, puro pambu-bully ang ipinapakita niya sa babae, ngayon lantaran na ang ginagawa niyang panliligaw. Nagkaroon na ng lakas ng loob si Deib para umpisahan ang panliligaw kay Maxpein.

Hindi maintindihan ni Maxpein kung bakit siya pumayag na magpaligaw kay Deib. Nalilito siya kung iyon ba ay dahil gusto niyang ipakita kay Randall na naka-move on na siya o dahil ayaw niyang makaramdam ng lungkot si Deib kapag tinanggihan niya ito.

 

BOOK 7

“Gusto kong alamin ang lahat ng makapagpapasaya sa `yo at maibigay sa `yo ang lahat ng bagay na imposible… because I want to make your fairytales come true.”

She really cares for me…
Iyon ang naisip ni Deib sa mga ikinikilos ni Maxpein lalo na ngayong injured siya. Ang babae kasi ang madalas umaalalay sa kanya tuwing nahihirapan siya. At masarap iyon sa pakiramdam.
Sana nga hanggang sa pagbalik nina Deib sa Laguna ay ganoon pa rin sila ni Maxpein. Ngayon pang na-realize na niyang hindi lang basta pagkagusto ang nararamdaman niya kundi mahal na niya ang babae.
Oo, mahal na nga ni Deib si Maxpein.
Sorry at hindi niya napigilan…

 

BOOK 8

“Magiging selfish ba ako kung sasabihin kong… gusto kong akin ka lang?”

Masaya at memorable ang naging bakasyon ni Deib sa Palawan kasama si Maxpein pati na rin ang mga kapatid nito. Hindi lang iyon dahil nakasama niya ang babae, kundi dahil paunti-unti ay natututo na itong mag-open up sa kanya. Nahiling tuloy ni Deib na sana, maging ganoon pa rin sila ni Maxpein kahit makabalik na sila sa Laguna. 
Pero dahil sa injury na nakuha ni Deib ay ilang araw siyang hindi nakapasok sa school pagkauwi galing Palawan. Sa pagbabalik niya sa school, inaasahan niyang isang mayabang na Maxpein ang aabutan niya. Pero laking gulat niya nang makitang binu-bully na naman ang babaeng minamahal…

 

BOOK 9 

“One wrong move and you’re mine.”

Nagbabago talaga ang mga bagay sa paglipas ng panahon. Iyon ang napatunayan ni Deib. Kung noon, isa siya sa mga nangunguna sa pambu-bully kay Maxpein, ngayon, siya na ang tagapagtanggol ng babae. Mukha namang nakatulong iyon dahil lalo siyang napapalapit dito. Nasasabi na sa kanya ni Maxpein ang mga bagay tungkol dito na dati ay hindi nito mai-share sa kanya.
Kaya lang, hindi pa rin talaga mapigilan ni Deib ang makaramdam ng selos kay Randall. Dahil sa isang pangyayari ay nagtampo siya kay Maxpein. 
Ang hindi alam ni Deib, nakatulong pa ang pagtatampong iyon para maging masaya siya.

 

BOOK 10

“Ang hirap kalimutan ng mga bagay na may kinalaman sa `yo. Parang lahat ng `yon ay dinikdik at ginawang palamuti sa puso ko. Kakaiba ka. Minahal ko ang kaibahan mo.”

Hindi akalain ni Deib na ang pagseselos at pagtatampo niya ay may kapalit na magandang resulta. Finally, nakuha na niya ang matamis na “oo” ni Maxpein. Ayon nga sa kasabihan, “good things come to those who wait.” Dahil doon, masayang-masaya ang pakiramdam niya, lalo na nang aminin ni Maxpein na nagugustuhan na rin siya nito. 
Ayos na sana ang lahat para kay Deib, pero hindi pa rin niya maiwasan na mag-alala dahil sa banta para sa kaligtasan nila. Hindi pa rin kasi tumitigil ang grupo nina Mallyu kasama na si Choco. This time, pati ang mga kaibigan nila, idinadamay na ng mga ito. 
Hindi sigurado si Deib kung tuloy-tuloy sila sa happy ending kung ganitong may mga taong gustong tapusin ang happy days nila ni Maxpein.

 

 

 

BOOK 11

“Tuwing nag-aalala ka para sa akin, nalalaman kong may pakialam ka.”

Ano pa nga ba ang mahihiling ng isang Deib Lohr Enrile? Kung tutuusin, wala na. Guwapo, mayaman, may masayang pamilya at mabubuting kaibigan. Puwede nang sabihin na kompleto na siya. At si Maxpein? Ito ang jackpot prize niya sa buhay. 
Pero may problema pa pala sila—hindi gusto ng ibang tao na maging masaya sila. At kahit gusto nang maging masaya ni Deib, saan siya kukuha ng lakas ng loob kung kahit sa almost perfect nilang buhay ay hinahabol pa rin sila ng gulo? 
At ang pinakamahirap tanggapin sa lahat, uso na yata ngayon ang test of friendship. Sila ni Maxpein at ang kanilang mga kaibigan, hanggang kailan magiging matatag na magkasama?

 

BOOK 12

“`Wag ka nang magagalit sa akin, ha. Dahil kahit na gaano kalayo ang puntahan ko, babalik at babalik ako para magpaliwanag sa `yo.”

Halos ikabaliw ni Deib ang hindi pagsagot ni Maxpein sa mga text at tawag niya. Hindi man niya ine-expect na mag-reply ito sa bawat text, pero hiling niya na sana, kahit isang beses lang ay sumagot ang babae. Sapat na iyon para mawala ang sobrang pag-aalala ni Deib. Ipinangako niya sa sarili na kapag nag-reply si Maxpein, hindi na siya magagalit.
Pero higit pa sa inaasahan ni Deib ang nakuha nang tawagan siya ni Maxpein at sabihing hinihintay siya ng babae sa harap ng kanilang bahay. Kinilig siya nang kantahin nito over the phone ang “Sometimes” ni Britney Spears na naging constant favorite na niya. At halos ikinatunaw ng puso ni Deib ang pagyakap nito at pagsasabing na-miss siya ng isang manhid na Taguro.
Ayaw mang umasa ni Deib, hindi naman niya mapigilan ang sarili na maramdamang nahuhulog na rin sa kanya si Maxpein…

 

 

BOOK 13

“Ang gusto ko ay parati kitang nakikita… nakakasama… nakakausap… nararamdaman.”

 

“Isang lapit mo pa sa kanya, malaya ka na…”
Hindi inaasahan ni Maxpein na sasabihin iyon sa kanya ni Deib. Nagdulot iyon ng sobrang takot at kaba sa kanya. Naiintindihan niyang nagselos ang lalaki nang puntahan niya si Randall nang mabugbog ito ng grupong kaaway niya. Hindi niya inakalang sapat na iyon para magbanta si Dieb nang ganoon.
Sobrang nasasaktan si Maxpein dahil ang pinakaayaw niya sa lahat ay ang masaktan si Deib nang dahil sa kanya. Nagi-guilty siya dahil pakiramdam niya, hindi niya nasusuklian kahit kaunti ang ibinibigay na pagmamahal nito.
Napagdesisyunan niyang yayain si Deib sa isang date para kahit papaano ay makabawi at mabawasan ang pagseselos ng lalaki.
The date went nothing but blissful. Pero hindi inakala ni Maxpein na may mas malaki pa palang pagsubok na darating sa kanila…

 

 

BOOK 14

“Don’t worry, you will have every kind of kiss in every kind of way in every possible place when we are together.”

 

Hindi malinaw kay Maxpein kung bakit bigla na lang nakipag-break sa kanya si Deib. Kahit na may hinala siya na dahil iyon sa pag-uusap nila ni Randal, hindi pa rin siya naniniwalang sapat na iyon para bale-walain nang ganoon lang ni Deib ang kanilang pinagsamahan. Ayaw niya ring tanggapin sa sarili na hanggang doon na lang ang relasyon nila, kung kailan mahal na mahal na niya ang lalaki.
Kaya nagawa ni Maxpein ang mga bagay na hindi niya dati ginagawa para lang suyuin si Deib, kahit pa patuloy ang pagmamatigas nito.
Pero isang pangyayari sa birthday party ni Deib ang nagpasuko kay Maxpein—ang makita ang pakikipaghalikan nito kay Kim…

 

BOOK 15

“Mahal na talaga kita at mas minamahal pa kita nang higit sa inaasahan ko.”

 

Sobra nang nasasaktan si Maxpein sa mga ikinikilos ni Deib, lalo pa nang gamitin nito si Kim para pagselosin siya. At halos mawalan na siya ng pag-asa na maaari pang maibalik ang dating pakikitungo ni Deib.
Pero nang may magpakilala sa kanya na isang lalaki sa canteen ng BIS habang nagme-merienda sila, nagpakita si Deib ng sobrang pagseselos. Na nadagdagan pa nang malaman na makakasama niya si Randall sa isang billiard tournament sa Manila. Doon ay tuluyan nang nag-walkout si Deib at umuwi sa bahay kahit hindi pa tapos ang klase.
At isa lang ang naisip na paraan ni Maxpein para maging maayos na ang lahat…

 

BOOK 16

“Mahal na mahal kita, babe. Lahat ng may kinalaman sa `yo ay mahal ko.”

 

Isang masayang celebration sana ang hatid nang gabing iyon para kay Maxpein at sa mga kaibigan niya kung hindi lang sana biglang nanggulo ang grupo ni Choco. Nalagay pa sa panganib ang buhay niya at ng mga kaibigan kaya lalong lumaki ang away sa pagitan nila ni Choco.
Pero hindi inaasahan ni Maxpein na ang away na iyon ay magiging dahilan para malaman niya ang tunay na pagkatao na matagal inilihim sa kanya ng kinikilalang pamilya…
Ang tungkol sa kanyang tunay na ina…
At ang tungkol sa tunay na relasyon nila ni Randall…
Paano nga kaya haharapin ng matapang at palaban na si Maxpein ang mga rebelasyong iyon kung buong buhay niya ay nabuhay siya sa napakaraming kasinungalingan?

 

 

BOOK 17

“Kahit na isang libong magagandang babae pa yata ang tingnan ko, ikaw pa rin ang laman ng puso ko, Taguro.”

 

Masaya na sana ang lahat nang magising na si Tob mula sa pagkaka-coma. Pero para kay Deib, wala nang mas ilulungkot pa ang buhay niya nang bigla na lang umalis si Maxpein. Ang pinakamasakit pa, hindi man lang ito nagpaalam.
Knowing Maxpein, alam niyang may dahilan ito sa pag-alis, lalo na’t may pinagdadaanang problema sa sariling pamilya ang babae. And that what was he hated about her. Bakit kailangan pang umalis ni Maxpein kung handa naman siyang damayan at tulungan ito sa sakit na nararamdaman?
Dahil mahal na mahal ni Deib si Maxpein, sinubukan pa rin niyang bumangon uli sa lungkot na nararamdaman. Ipinangako rin niya sa sariling hihintayin ang babae hanggang sa tuluyan itong bumalik.
Pero babalik pa nga ba si Maxpein sa kanya?
Hanggang kailan siya maghihintay?

 

BOOK 18

“`Wag ka nang umiyak, nanghihina ako.”

Life must go on, iyan ang ipinakita ni Deib nang ilang buwan na ay hindi pa rin bumabalik si Maxpein. Hindi lang iyon, mas pinagbutihan niya ang pag-aaral kaya nakasama siya sa mga estudyanteng makaka-graduate sa taong iyon. Pero kahit ipinapakita ni Deib na okay siya, may bahagi pa rin sa puso niya ang nalulungkot, lalo na’t hindi niya makakasama si Maxpein sa araw ng graduation.
But the unexpected happened. Knowing Maxpein, palagi itong gumagawa ng mga bagay na hindi mo ine-expect. Bumalik ang babae sa mismong araw ng graduation niya! 
Masaya na sana uli si Deib. Pero bakit ganoon? Bakit parang wala lang kay Maxpein na basta na lang siya nitong iniwan? Ganoon na lang ba talaga iyon?

 

 

BOOK 19

“Right from the start, I knew I had to make you mine… At ngayong akin ka na, ayaw ko nang mawala ka pa dahil hindi ko kaya.”

Lumilipad ang puso sa paligid ni Deib dahil sa ginagawang pagpapakilig sa kanya ni Maxpein. Kilala pa naman niya ang babae, kaya hindi niya akalaing magagawa nito ang ganoon. At gustong-gusto ni Deib ang pagbawing naisip nito. Nawala ang lahat ng tampo at inis niya dahil parang inililipad siya ng mga pusong iyon. 
Akala ni Deib, wala nang katapusan ang sayang nararamdaman. Hanggang sa dumating ang isang pangyayari na ikinagulat nilang lahat. Dahil din sa pangyayaring iyon, napaisip na naman siya tungkol sa pagkatao ni Maxpein…

 

  • Currently there are no reviews on this product.

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

Recommendations

Total Price: PHP 1,070.50

Mga Kuwentong Dapat Mong Malaman [BUNDLE] - SBB00002, PHP 254.25

Mga Kuwento Ni Kuya Jun [BUNDLE] - SBB00001, PHP 224.25

Moymoy Lulumboy Book 1-3 [BUNDLE] - SBB00003, PHP 592.00

Customer Who Bought this Also Bought


SiteLock