Hi, CUSTOMER!

Example: books, shoes, fashion, romance, novels, etc.

loading shopping cart...

8

Little Cupcakes Series Complete 1 - 6 - SBB00006

price
PHP 281.00
AVAILABLE ON STOCKS
3 items left
Weight
490g
reviews & ratings
0 review
  • 5 stars (0 vote, 0%)
  • 4 stars (0 vote, 0%)
  • 3 stars (0 vote, 0%)
  • 2 stars (0 vote, 0%)
  • 1 star (0 vote, 0%)
social media

 

Little Cupcakes 1-Banana Heaven

“Bigyan mo ako ng karapatang magselos at ipapakita ko sa iyo kung paano ako magselos.”

Sanay na si Erica Mae na nandiyan lang palagi sa tabi niya si Rory, ang lalaking naging father figure na sa kanyang anak na si Onyok. Kung hindi dahil kay Rory, baka hindi na niya nailabas pa sa mundo si Onyok. At baka hindi rin niya kinaya ang pagiging single mom.

Kaya nanibago siya nang biglang magsungit si Rory pagkatapos nitong makilala ang suitor niyang half Pinoy-half Korean.

“Hindi naman siguro dahil sa PMS kaya ka masungit. Kaya kung hindi topak ang tawag diyan sa mood mo, ano?”

“Alam mo, Em, may topak akong matagal na matagal ko nang tinitimpi.”

“Aba, pakawalan mo `yan at baka sumabog na.”

Kinabig siya ni Rory palapit dito. “`Eto na nga, gagawin na.” His lips descended on hers.

Dahil sa halik na iyon, biglang nakita ni Erica Mae si Rory bilang isang lalaki na kokompleto sa kanyang pagkababae. Bigla-bigla, ayaw na niyang maging single mom.

 

Little Cupcakes 2-Choco Mint

“I found a new hobby—watching you sleep.”

Pretend girlfriend ang role ni Gwen sa buhay ng best friend niyang si Tony para pagtakpan ang gender problem nito.

Single mom naman ang role niya nang kupkupin si Mint na inulila ng kanyang ate. Wala na siyang reklamo sa takbo ng kanyang buhay. Pero nagulo ang sitwasyon sa biglang pagsulpot ni Renton, ang totoong ama ni Mint.

Noong una, hindi pumayag si Gwen na magpakilala ang lalaki kay Mint dahil para sa kanya, wala na itong karapatan sa bata nang iwan nito ang mag-ina. Pero tinakot siya ni Renton na magkikita sila sa korte kung hindi siya papayag kaya wala siyang naging choice.

Habang tumatagal ang pagsasama nila ni Renton, may na-realize si Gwen. Parang gusto niyang dagdagan ang role na gagampanan. Parang gusto niyang maging girlfriend ng tatay ni Mint. Si Renton naman, parang hindi lang ang pagpapakaama kay Mint ang gusto, kundi ang maging tunay na siyang ina at maging totoo na silang pamilya. Pero paano? Nakakulong pa siya sa kasunduan nila ni Tony, habang may babae naman sa nakaraan ni Renton na bumalik sa buhay nito.

 

Little Cupcakes 3-Raspberry Truffles

“Ang puso raw ang magpapasya kung sino ang mamahalin. Ikaw? Nagwawala rin ba ang puso mo kapag nakikita mo ako?”

Tatlong beses na nakita ni Rica si Aldrin sa iba’t ibang pagkakataon pero iisa ang ipinararamdam nito sa kanya—para siyang maha-heart attack sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso.

Hindi niya inakalang magkakaroon ng malaking kaugnayan si Aldrin sa kanya nang minsang mailigtas nito ang buhay ng kanyang anak na si Alpha. Hindi man handang pumasok sa panibagong relasyon, mahirap pigilan ang pusong nagiging pasaway nang dahil sa pag-ibig.

Pero isang rebelasyon ang kapwa gumulat sa kanila ni Aldrin.

Si Aldrin pala ang recipient ng puso ng namatay na asawa ni Rica. Noon lang nila nalaman iyon kung kailan kapwa hindi na nila mapigilang mahalin ang isa’t isa.

Pagmamahal na nahaluan ng pagdududang baka kaya lang siya minahal ni Aldrin ay dahil taglay nito ang puso ng kanyang yumaong asawa.

At mukhang si Aldrin man ay pinagdudahan na rin kung totoo ngang mahal siya nito…

 

Little Cupcakes 4-Cherry Bomb

“This feeling is long overdue. Hindi naman mag-e-expire pero napupuno na. Kailangan nang isalin.”

Sa kagustuhang mabawi ang bahay na isinangla ng kanyang ama, napilitan si Gabrielle na pumayag na maging baby maker. At ang lalaking kukuha ng serbisyo niya—si Sage, ang pinakaguwapong lalaking nakilala niya.

Sage offered her money and her dream to put up a café business. Pak na pak iyon para sa isang kagaya niyang tindera sa bakery na nangangarap umasenso.

Grab na kung grab sa opportunity. Ang hindi lang inasahan ni Gabrielle ay ang mapamahal, hindi lang kay Sage, kundi pati na rin sa magiging baby nila. Sa takot na mapalayo sa baby pagkapanganak ay itinakas niya ito. Masuwerteng na-hire siya bilang apprentice baker sa Angelicious Cake Shop—kung saan ang mga kasama niya ay kapareho niyang single mom.

Inakala ni Gabby na safe na siya. Hindi pa rin pala. Bigla na lang kasing sumulpot si Sage sa cake shop!

Paano na ang anak niyang si Erin? Ito na nga lang ang mayroon siya sa pagbabagong-buhay, mukhang mawawala pa. Isipin pa lang kung paano haharapin ang galit ni Sage ay pinanginginigan na siya ng buong katawan. Pero sa kabila ng lahat, iba ang sinasabi ng kanyang puso—ang kagustuhang makasama si Sage ano pa man ang parusang ibibigay nito sa kanya…

 

Little Cupcakes 5-Blueberry Cheesecake

“Kasalanan mo. You’re irresistible… Alangan namang pigilan ko ang sarili ko.”

Being a pastry chef and branch manager of Angelicious Cake Shop at sa pagkakaroon ng cute at smart na anak, kontento na si Mari sa buhay—at kahit pa isa siyang single mom. Pero hindi niya inisip na darating ang sandaling maghahanap si Della ng ama.

Being a pastry chef and branch manager of Angelicious Cake Shop at sa pagkakaroon ng cute at smart na anak, kontento na si Mari sa buhay—at kahit pa isa siyang single mom. Pero hindi niya inisip na darating ang sandaling maghahanap si Della ng ama.

Hanggang isang araw, sumugod si Mari sa school ni Della nang malamang walang makapagpatahan sa nagta-tantrum na bata. Pero iba ang nadatnan niyang eksena…

“Mommy, nandito na si Daddy!”

Parang gustong lumubog ni Mari sa kinatatayuan nang makilala ang guwapo at matangkad na lalaking may karga sa kanyang anak. Ito ang lalaking nasa cover ng isang magazine at itinuro ng yaya ni Della na daddy raw nito para mapatahan noon ang kanyang anak.

Naging malaking problema kay Mari kung paano mailalayo ang loob ng anak na parang na-magnet na kay Nathan. Pero hindi niya inakalang magiging mas malaking problema niya ang sarili dahil maging siya ay ayaw nang mahiwalay kay Nathan.

 

Little Cupcakes 6-Strawberries & Champagne

“You’re a thief, Anj. You stole my sperm.”

Single mom by choice si Angelique Dela Serna Soriano. That was after so many failed relationships, idagdag pa ang pagkakaroon ng iresponsableng ama. Naniniwala siyang puwede pa rin naman siyang magkaroon ng sariling pamilya kahit walang lalaki sa buhay niya.

Para magkaanak, naisip niyang mag-undergo ng artificial insemination. Pero nakakita siya ng ibang paraan nang may hinging pabor ang best friend niyang si Chris. Pumayag siya na maging fake fiancée nito dahil may lihim din siyang agenda—ang magpabuntis dito.

Nagbuntis naman si Angelique. Kasabay niyon, kinailangan ni Chris na mag-stay sa Amerika.

Sa loob ng limang taon ay napagtagumpayan ni Angelique na palabasin sa lahat na ang anak niya ay produkto ng artificial insemination.

But Chris was back. At gusto siya nitong pakasalan para daw magkaroon ng ama ang kanyang anak.

Hindi siya papayag! Baka matuklasan ni Chris ang panloloko niya rito at maging dahilan pa iyon para mawala sa kanya ang pinakamamahal na anak.

  • Currently there are no reviews on this product.

We want to know your opinion!

Please login or register to post your review.

Recommendations

Total Price: PHP 1,262.25

Mga Kuwento Ni Kuya Jun [BUNDLE] - SBB00001, PHP 224.25

Moymoy Lulumboy Book 1-3 [BUNDLE] - SBB00003, PHP 592.00

Finding Carrot Man 1 - 4 [BUNDLE], PHP 446.00

Order Now

PHP 281.00
Quantity

Top Seller


SiteLock